Intramuros, Manila, Philippines — Nagkaroon ng palitan ng mga kultural na regalo ang mga miyembro ng Special Committee on Culture ng Regional Development Council sa Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (Mimaropa) noong Nobyembre 27, 2024 sa gusali ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA).

(Photo: NCCA)

Bukod dito sa “exchange gift” ng mga cultural items, kasama sa agenda sa nabanggit na pulong ang pagsuporta sa Philippine Development Plan for Culture and the Arts2024=29, pag-apriba sa Proposed Webinar in celebration of National Arts Month 2025, Terms of Reference for the Selection of Private Sector Representatives in Mimaropa special committee on culture at pag-endoso ng Establishing Local Culture and Arts Office and the Creation of Culture and Arts Officer position/ Designation in LGUs sa paglalahad ng Narra, Palawan.

Dagdag pa, nagkaroon ng pagbabahagi ng Status of Cultural Mapping, Inventory at Local Council for Culture and the Arts in the region, Intangible cultural Heritage at Updates on the Moryonan, Tubong, Kalutang, Triannale, ICH Trifecta Marinduque. Nagkaroon din ng pagkakataon magbigay ng ulat sa mainstreaming culture at values ang mga rehiyonal na tanggapan ng Department of Tourism, Commission on Higher Education at Technical Education and Skills Development Authority.

Ang NCCA ang nagsisilbing SCC secretariat at tagapangulo, nagsimula sa mga preliminaries at call to order ni Corinnah Anne Olazo bilang kinatawan ng tagapangulo ng NCCA, si Dr. Eric Zerrudo. Samantala pinangunahan ni Jesuben Angel Bongolan ang roll call at pagbabasa ng katitikan ng nakarang pulong. Ang unang semestre ng SCC na pulong ay sa Marinduque Governor’s Hall kung saan nilahad ang Marinduque Triannale at ICH Trifecta ng Moryonan, Tubong at Kalutang.

(RT Nobleza/Island Innovation Ambassador, Island Innovation Academic Council Representative)

#SDG4QualityEducation #EmpoweringMindsTransformingLives #MarinduqueStateUniversity