Mga Gawain ng MSCCA ngayong Buwan ng mga Sining

Ngayong Pebrero, nagbukas ang ikalawang semestre at nagsisimula na muli sa mga gawaing pangkalinangan at mga sining. Ang kasalukuyang gayak at bihis ng MSC Culture and the Arts (MSCCA) ay halaw sa danas at kaalaman ng mga bumubuong indibidwal, pangkat at institusyon. 

Ang MSCCA ay binubuo ng mga sumusunod na mga sangay, para sa Dulaan ay ang MSC Theater Guild sa pamumuno ni Sir Carl Lagar at katuwang si Mam Rizalyn Magno. Para naman sa Sayaw, magkasama ang MSC Putong Group at Dance Troupe sa pangunguna nina Mam Ruby Ann Lantita at ni Mam Sharmaine Balut. Sa bahagi naman ng Musika ay binubuo na ang MSC Brass Band at Choir sa pangangalaga ni Sir Chito Mandia at Sir Joseph Silangil. Ang dagdag pa sa balangkas ng MSCCA ay ang pelikula sa inisyatiba ni Bb. Raiza Masculino, panitikan ang MSC Litera Club at sining biswal sa patnubay ni Sir Cassius Nitoral. 

Magkakaroon ang MSCCA ng serye ng palabas, tampok ang mga pelikula at dula gawa ng mga mag-aaral ng School of Arts and Sciences. Magkakaroon din ng muling paglulunsad ng nailimbag ng MSC Litera Club na literary folio, Balangaw at Malikhain. Gayundin, ipapalabas muli ang pagtatanghal ng MSC Siklab Society at iba pang surpresang bilang. 

Kasama rin sa mga prioridad ng MSCCA ang mga pananaliksik tungkol sa mga natatanging pamana ng Marinduke. Mula sa mga sinagawang kultural na pagmamapa sa mga bayan ng Mogpog, Buenavista, Santa Cruz at isasagawa sa Gasan at Torrijos ay magiging bahagi ng sinupan at koleksiyon ng binubuong Museo ng mga Buhay na Pamana. Nasimulan na ito sa mga isinagawa noong Sentenaryo sa sining biswal, panitikan, pagtatanghal at pelikula sa pakikipagtulungan ng Hearts Council, Sentro ng Wika at Kultura kasama ang mga lokal na pamahalaan ng lalawigan. 


MSCCA Virtual Museum x Hearts Council Cultural Hub

Virtual 100CE museum

Siklab Society

Kalinga ng Sining

Pecha kucha compilation: PECHA KUCHA COMPILATION QECI QUEZON 1 12 22 2020 | QECI pecha kucha proceedings

100@100 Catalogue

Unang Birtwal na Pagtanggap ng MSC Litera Club ginawa noong Mayo 1 By Rizalyn Magno

MSCCA launches new Talk series on National Heritage Month

MSCCA distributes learning package to Regional DepEd and CHED Mimaropa


MSCCA-500 yrs

Buwan ng Panitikan

MSCCA Learning Package

OSKI Obrang Sining Kathang Isip CD

Track List

  1. Tinig sa Pulo live
  2. Lalawigan live
  3. Daang Paraiso live
  4. Tagaytay live
  5. Tuba live
  6. Tinig sa Pulo recorded
  7. Lalawigan recorded
  8. Daang Paraiso recorded
  9. Tagaytay recorded
  10. Tuba recorded
  11. Marinduque March recorded

Saling Awit Saling Tula

Saling Awit Saling Tula CD

Gasan folksongs

  1. Alamat ng dalawang puting gansa
  2. Dalang parang
  3. Isang buong dayap
  4. Lahat ng bagay
  5. Sulong aking tandang

Spoken Word

  1. Kung paano pa maaaring maunawaan ang diyos
  2. Unang gabi
  3. tanawin
  4. anting bulating
  5. biglang awa

Pasyon

  1. excerpts

Tanghal Marinduke

Siklab Society E-performance DVD

DVD Guide

  • MSC President message
  • MSCCA Head message
  • Byaheng Marinduque
  • Parini na sa Marinduque
  • Classical Guitar and Solo Duet
  • Guitar Solo
  • Marinduque March
  • Tinig ng Pulo
  • Tagaytay
  • Lalawigan
  • Daang Paraiso
  • Tuba
  • Saxophone solo
  • Vocal Duet

Siklab Society for Tuloy po Kayo

Track Guide

  • Byaheng Marinduque
  • Parini na sa Marinduque
  • Marinduque March
  • Tinig ng Pulo

Kalinga ng Sining

SineMarinduke and Tanghal Marinduke DVD

SineMarinduke

  • Joseph Israel Laban
  • Aizel Lacdao
  • Raiza Masculino

Tanghal Marinduke

  • Danny Ledesma Mandia
  • Bryan Viray
  • Rex Sandro Nepomuceno


Booklets

History of Marinduque Excerpts

History of Marinduque Excerpts

  • Cultural History by Perfecto Mirafuente
  • History of Marinduque Chapter 3 and 4  by Ramon Madrigal

MaLIKHAin

MaLIKHAin

An anthology of literary outputs of AB English IV batch 2019 of the Marinduque State College as a requirement in Creative Writing subject with Dr. Randy T. Nobleza. Deep within this anthology is the local culture of the Marindukanon community and society as it is seen through the eyes of the students. Many of the pieces address the common problems found within the island that the students voice in order to be heard, echoed, and given solution. The club aims to share the Marindukanon culture to the Filipinos, and if possible, foreign readers, to take a glimpse of on what keeps the Heart of the Philippines pumping.


Balangaw

Balangaw

Mula sa okasyon ng pagdiriwang sa Buwan ng Panitikan, nailunsad ang huling kalipunan para sa klase ng Creative Writing ang antolohiyang may pamagat na “Balangaw.” Sa dalawang seksiyon ng AB English ay pumili ng mga pinakamahuhusay na mga tula, kuwento at dula. Kaya naman ang ilang sa mga akda ay napili rin sa Malikhain na kalipunan mula sa 2009-2018.

Ang mga bukod-tanging mga manunulat mula sa ABE section A at B ay nagsanib para makapaglimbag ng koleksiyong ito. Ang 10 sa 21 tula ay mula kina John Paul Llante, Kyla Salazar, Chrisal Jagong, Xyrin Jayne Magalang, Rizalyn Magno at Ella Sophia Malco. Samantalang, ang apat sa pitong kuwento ay mula kina Dhiana Huelgas, John Earl Manlisis at isang dula mula kay Marieneth Malubag.

Nasubaybayan ko ang naging simulain hanggang sa pagtatapos ng mag-aaral na ito. Mula sa klase ng Language and Society noong ikalwang semestre  ng 2016  at paglalahad ng papel pananaliksik noong 2017. Nagkaroon din ng pagkakataon para makapaghanda ng ilang panukalang proyekto para sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga SIning ang klase at mapalad na mabigyan ng grant para sa Saling Awit, Saling Tula nang 2018.

Kaya hindi katakatakang maraming naibunga ang mga binhi na hinasik noong una. At tunay na makulay ang mga silahis ng bahaghari sa mga mag-aaral ng malikhaing pagsulat


Kuwento ni Lolo Kiko

Kuwento ni Lolo Kiko

Ang kuwento ni Lolo Kiko ay tungkol sa kasaysayan ng ating lalawigan sa pagitan ng huling bahagi ng ika-20 na siglo at pabubukas ng ika-21 siglo. Hinubog ng pampublikong paaralan si Francisco Labay, bilang mag-aaral at kinalaunan ay bilang guro hanggang sa maging lokal na historyador. Sa okasyon ng sentenaryo ng Marinduque, mainam na mabigyan ng puwang ang kuwento ni Lolo Kiko para sa mga susunod na henerasyon ng kabataan at mga mananalaysay. pinagtuonan niya ng pansin ang dalawang labanang nagbigay ng tagumpay sa mga kababayang Filipino laban sa mga Amerikano.  Una, ang Labanan ng paye noong Hulyo 31, 1901 at pangalawa ay Labanan ng pulang lupa nang Setyembre 13 sa parehong taon. Bago ang internet at online na mga batis ay matagal na panahon naging sanggunian si Lolo Kiko ng mga mag-aaral at kabataan maging mga propesyonal at mananakiksik interesado sa kasaysayan. Si Lolo Kiko ang takbuhan ng mga naghahangad na makakuha ng mga kasagutan sa mga tanong na papgkasaysayan. At laging nasusuklian naman ng kuwento at mga detalye ang mga may nakahandang magtanong at makinig.

Ayon kay Virgilio Almario, ang salitang ironiko ay hango sa ibang dila. Mula sa Ingles na Irony at Espanyol na ironiya. Para sa pambansang alagad ng sining, ang pagiging ironikal ang akmang tugon sa kasalukuyang sitwasyon ng mga tunggalian. Dati ay mga uri, ari, kasarian o lahi lamang ang nagtutunggali ngunit ngayon ay maging ang katotohan ay nagpapaligsaan na rin. Kung kaya, mainam na mabalikan ang siste ng parikala para maunawaan ang kahalagahan ng pagbangga sa malaki, makapangyarihan o awtoridad.Kagaya na lamang ng kuwento ng ating mga ninuno na lumaban sa mga mananakop. Kung walang parikala, hindi marahil nanaig ang gilas sa armas.


Hard Bound

Pecha Kucha: MarinduQuezon 400 heritage items of Quezon

Pecha Kucha: marinduQuezon 100 heritage items of Marinduque

Pecha-Kucha-MarinduQuezon

MarinduQuezon: EdM01 QECI 400 heritage icons from Quezon since Unisan to Tayabas and Lucena

By the year 2021, the archipelago is going to commemorate 500 years of the Battle of Mactan and Christian inculturation. Incidentally the event is preceded by the quadricentennial of the Tayabas town amidst the myriad of interruptions brought about by the pandemic. To move forward the said occasion, Marinduque’s capital town is also gearing towards its 400th foundation by 2022 since the establishment of the visita Monserrat de Marinduque in 1622. Before the present day capital city of Lucena, the centre of commerce and civilization of Quezon is Tayabas. After the succeeding Spanish expeditions to Luzon, the cultural center and cradle of the province could be traced to the coastal town of Unisan.

EdM01: Basic Foreign Language in Nihongo/ Nippongo or Japanese Language and Culture involves the study the Hiragana alphabet with a chart with three tables: sound of 50, turbid and murky sounds along with ya row and i- column combination. The first set of deliverables are 10 practice writing sheets based on table 1: gojuon or sound of 50.Then the next set of deliverables would be the gojuon flash cards to based on the group assignment on iconic heritage icons in the specific upload and lowland towns of Marinduque. Finally the last set of deliverables is pecha kucha style of presentation with 20 seconds per each slide with a total of 20. The pecha kucha slides would also be consistent with the assigned heritage items from the respective towns.

The class size of the current semester is almost 50 with majority of the learners are from the MAEd program with some EdD learners. Since the mode of delivery is flexible and remote, the learners were divided into four. The EdD learners drew lots who would take on what particular district among the four districts in Quezon. They obliged with the scheme and decided to fill-up at least three forms based on the Philippine Registry of Cultural Properties per district. The precup form no.1 concerns tangible immovable properties or built heritage, precup form no. 2 is about tangible movable heritage and the last, precup form no. 3 involves intangible cultural heritage.

In the end, despite everything about Covid19, there is still a persisting and enduring hope that everything shall pass. Hopefully, the outcomes would be a testament of diversity, creativity and inclusivity of heritage, culture and arts in Marinduque of for the next century.

With the 400 iconic heritage items of Quezon, it would be a best present and most positive outcome of the pan- demic during the next 100 years. Just like Lucena and Unisan, Tayabas then and Quezon now, local heritage would endure and persist until we traverse to the better normal.

the-hearts-council