Boac, Marinduque, Philippines — Natuloy rin ang pagtitipon ng Marinduque State University (MarSU) Litera Club nang nakaraang Nobyembre 8, 2024 kasama ang mga opisyal at miyembro nito sa Auxiliary Building. Pinagpaliban noong Oktubre 25, 2024 ang hybrid na pulong ng MarSU Litera Club para magplano sa darating na ikalawang semestre.
Sa pangunguna ng pangulo ng MarSU Litera Club, si G. Gerard Angelo Diana ay nasundan na ang harapang pulong ng mga miyembro at opisyal ng mga manunulat sa pamantasan. Dumalo rin ang tagapayong si Dr. Randy Nobleza para bigyan ng mensahe ang pangkat. Kamakailan ay nakiisa ang Litera Club sa MarSU Student Week noong Oktubre 14 hanggang 18. Nagsagawa din ng webinar at mga paligsahan noong Buwan ng Wika kasama ang language enthusiast society (LES) at Gng. Sheryl Podra ng College of Arts and Social Sciences (CASS).
Nagkaroon ng mga bakanteng posisyon sa pamunuan ng MarSU Litera Club na siyang pinunan ng ibang miyembro, sa pamamagitan ng eleksiyon. Kinakasa din ang gawain tungkol sa “Marinduque Triannale at Intangible Cultural Heritage Trifecta” darating na Nobyembre 25 at 26, 2024 kung saan ipagdiriwang ang ikatlong anibersaryo ng Book Nook Marinduque sa MarSU Extramural Study Center.
Nagkaroon na ng unang serye ng palihan tungkol sa paksa ng Kalutang sa pamamagitan ng klase ng Foreign Language at Philippine Popular Culture noong Nobyembre 9 kasama si G. Mark Roi Christopher Montemayor tungkol sa artificial intelligence at kultura o pamana ng isla. Sa susunod ay nakahanda na ang palihan ng mga island shorts, folk song cover, 120 sec proposal at pecha kucha na presentation mula sa ibang klase ng FL 2 at GE Elective 3 sa magkasunod na sabado, Nobyembre 16 at 23, 2024.
(RT Nobleza/Island Innovation Ambassador, Island Innovation Academic Council Representative)
(Photos: Litera Club)
#SDG4QualityEducation #EmpoweringMindsTransformingLives #MarinduqueStateUniversity