Boac, Marinduque – Sa kabila ng banta ng Omicron variant ng Covid19, nagkaroon ng lohikal na
konklusyon ang programang Graduate Diploma in Cultural Education (GDCE) sa rehiyong
Mimaropa. May kabuohang bilang na 32 ang mga Titser-Iskolar sa Romblon, Oriental Mindoro
at Marinduque ay nagkaroon ng completion rites noong Enero 15 sa Marinduque State College
(MSC) Gymnasium. May temang “Championing New Normal Education Reshaping Filipino
Imagination” ang GDCE 2021 Batch 2 Final Rites. Sa pamamagitan ng pagsusuri at pagtatasa ng
MSC Resgitrar, pageendoso ng dekana ng MSC Graduate School at pagkokompirma ng pangulp
ng Marinduque State College ay pormal na nagsitapos ang Batch 2 ng GDCE Mimaropa.

Mula sa Romblon, nakamit nina John Michael T. Ballovar ng Looc National HIgh School at
Rico G. Magramo ng San Andres National High School ang sertipiko ng pagtatapos ng mga
kurso ng level 2 ng GDCE. Gayundin, galing sa Oriental Mindoro, nakuha din ni Joephet M.
Lagustan ng Sacred Heart Academy ang parehong katibayan ng pagkompleto ng CulEd 205,
206, 207 at 208. Sa huli, mula sa Marinduque may 28 Titser-Iskolar ang nabigyan ng parehong
pagkilala: may lima sa distrito ng Santa Cruz: Joseph L. Lozanta ng Ipil National High School;
Christabel P. Alojado ng Makapuyat Elementary School; Eric J. Maningas ng Landy National
High School; Aljhon M. Mansalapus ng Mongpong Elementary School; Jolibee L. Marciano ng
Matalaba National High School. Mayroon ding lima sa distrito ng Gasan, si Jellie Ann L. Jalac at
Ann Margaret Perolino ng Bangbang National High School; si Hannah Cinkee O. Nocum ng
Bognuyan National High School; John Earl M. Manlisis ng Marinduque Midwest College; at
Jerahmeel M. Laderas ng Tapuyan National High School. Mula naman sa distrito ng Mogpog
may walo: MIcha M. Lanete ng Puting Buhangin National High School; Joanne C. Mogol ng
Argao National High School; Johnnel A. Palacios ng Capayang Elementary School at galing sa
Guisian Elementary School sina Ronalyn R. Morong at Anthony E. Murillo, mula sa Mogpog
National Comprehensive High School sina Clarissa L. Vitto, Rhia J. Galloniga at Anna Jessa J.
Malco. May isa mula sa distrito ng Torrijos, si Krizzia M. Oliveros ng SIbuyao National High
School at 10 sa Distrito ng Boac. Romilyn M. Brual ng Mainit Elementary School; Crystal
Insigne ng Don Luis Hidalgo Memorial School; mula naman sa Marinduque National High
School sina Marco Alexandro M. Leyco, Jing-Jing L. Mendoza at Rufina L. Nepomucena; mula
są Cawit National Comprehensive High School sina Myra M. Luci at Lovely M. Olpot; gayundin
mula sa Marinduque State College sina Kate R. Lamac, Vince Justin Roland S. Madriaga at
Rizalyn M. Magno.

Nagpaabot ng pagbati ang direktor ng Philippine Cultural Education Program (PCEP) si Dr.
Joseph “Sonny” Cristobal sa kanyang susing mensahe. Nagbigay rin ng mga mensahe ang
DepEd Division of Marinduque si Dr. Elsie Barrios at mula sa DepEd Mimaropa Annabelle
Marmol. Lubos na pasasalamat sa mga GDCE Faculty: sina Dr. Victor Emmanuel Carmelo
Nadera Jr, Dr. Maria Bulaong, Sir Michael Charleston “Xiao” Chua at Dr. Orlando Magano
gayundin sina Dr. Randy Nobleza Ar. Jose Manuel “Manolet” Gacria, Prof Ricamela Palis at
Prof. Jonah Jimenez.

Videos:

GDCE BOOKLET (Batch 2 Souvenir)

GRADUATE DIPLOMA IN CULTURAL EDUCATIONGDCE Batch 2 Completion Rites