Nakikiisa ang mga miyembro at pamunuan ng Ugnayang Pang-Aghamtao (Ugat) Anthropological Association of the Philippines sa adhikain ng mga katutubong Dumagat at Remontado sa Rizal at Quezon tungkol sa pagdiskaril ng Kaliwa Dam Project. Habang nagkakaroon ng mapayang alay-lakad galing sa Gen. Nakar Quezon hanggang Malakanyang ang mga kasama mula Pebrero 15 hanggang 23.
Kasama ang Ugat sa pakikiisa sa Stop Kaliwa Dam, nanawagan mismo sa pangulong Ferdinand Marcos Jr, Itigil ang Kaliwa Dam at ipaglaban ang buhay at kabuhayan, sagipin ang Sierra Madre, iligtas ang Pilipinas sa Utang. Batay sa pahayag ng organisasyon ng mga akademiko, mananaliksik at antropologo, nilatag na ang panganib ng Kaliwa Dam project sa pangkapaligiran, pangkabuhayan at sosyo-kultural na aspekto lalo sa mga katutubong Dumagat at Remontado. Hindi sila sang-ayon sa pananaw sa pag-unlad na may pagkiling sa imprastruktura, pagkuha ng mineral kapalit ng buhay at kalikasan.
“To reiterate what we stated in our earlier statement, we do not oppose efforts to secure water for our cities and communities. However, we join the insistence of our indigenous communities that this be done in a way that respects their rights and protects the environment,” ayon sa Ugat.
Tinatayang mahigit sa 1,400 pamilya ang apekta mula sa Gen. Nakar, Quezon at Tanay Rizal, maaaring ilubog ang pamayanang Makid-ata, 43 pamilya, Daralitan 1, 261 pamilya, Yokyok, 52 pamilya at Baykuran 47 pamilya. Bahagi ng 188,308 ektaryang lupaing ninuno na may dalawang Certificate of Ancestral Domain Titles o CADT na kinilala ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang apektado ng Kaliwa Dam Project.
Ang Kaliwa Dam ay 63 sqm proyekto naglalayong mabigyan ng suplay ng inuming tubig ang milyon-milyong kataong naninirahan sa Kamaynilaan. Ani nila sa kanilang liham kay PBBM, “Hindi rin po kami maramot. Naiintindihan naming kailangang may mapagkukunan ng tubig-inumin ang 14 na milyong mga naninirahan sa Kamaynilaan. Wala pong problemang gamitin ang tubig ng Kaliwa River. Huwag lang pong sirain ang aming pamayanan, kabuhayan, sakahan, pangisdaan, kabundukan, sagradong lugar, at kultura. Huwag din pong ilagay sa panganib ang libu-libong pamilya sa ibaba, ang samu’t saring buhay sa kabundukan at ilog at ibaon ang bansa sa utang.”